

Welcome sa Sunset Shore Resort sa Morong Bataan,Nag stay ako ng 2days kasama ang mga kaibigan ko.Marami akong na-experience sa loob ng dalawang araw.Ang mga na experience namin ay kakaiba,halo-halo katulad ng normal na ginagawa ng isang barkada nandyan yung inuman,kasatan.kabaliwan,yung magkukwentuhan kayo ng mga nangyayari sa buhay nyo yung ishishare mo sakanila na di mo namamalayan malalim na yung gabi.Syempre hindi namin palalampasin yung pagligo sa dagat.One time naligo kame sa dagat ng madaling araw na nakainom na kaming lahat,Di nanamin alam ginagawa namin may hawak kaming bote ng alak habang naliligo kame,wala kaming pake sa paligid namin basta ang alam lang namin nagsasaya kame.Tapos kinabukasan nagluto kami ng hotdog na hilaw with kape para mawala ang aming H.O In short AMATS!At pagkatapos non naligo naman kami sa pool at naglalaro like taya-tayaan na parang bata at pabilisan lumangoy,at pagkatapos namin maligo sa pool,nag ihaw kami ng bangus para sa tanghalian bago umuwe,at pagkatapos namin kumain ng tanghalian kami ay nagkanya kanyang impake ng gamit at sinakay sa jeep.At habang nag bibyahe na kami pauwe kami ay nag sasoundtrip na malakas at huminto kame sa isang airport at nagpicturan,Then sumkay ulit kami sa jeep,at habang nasa byahe na kami may sumuka sa aming magtotropa,nagkalat yung suka nya sa loob ng jeep habang ang driver namin si kise at natawa kami nung biglang may kinalampag sya at nung tinanong namin kung sya yung kumakalagpag at manalism nya na pala yun.Hahaha.Tapos biglang nanununtok with matching tawa lahat ng magtotropa! Sobrang saya ng na experience ko sa resort na to lalo't kasama ang mga tropa,Hindi lang sobrang sya kundi maganda rin ang resort na ito maganda ang tanawin,maganda ang pagtanggap ng mga namamahala ng resort na ito sa amin.Napakaganda ng bawat paligid,malinis,masarap pag masdan ang mga alon na humahampas sa dalampasigan,hangin na nasariwa.Kaya walang dahilan na hindi balikan ang isa sa pinakamagandang resort sa Morong,Bataan.Kaya'halina pumunta na dito ayain ang mga,Barkada,Pamilya,Kasintahan o sino pa mang gusto mong isama dahil sinisigurado kong hindi kayo magsisisi na pumunta dito.